
Alam ko ang ningning ng iyong mga mata
Sa tuwing tayo’y nagkikita;
Alam ko ang hugis ng iyong ilong
Kahit sa aking pisngi ka bumulong;
Alam ko ang tamis ng iyong halik
Lalo na sa panahon ng pananabik;
Alam ko ang init ng iyong mga yakap
At higpit ng bisig mong aking hinahanap-hanap;
Alam ko ang lalim ng iyong tinig
Sa lambing at sa galit at sa panginginig;
Alam ko ang haplos ng iyong mga kamay
Sa liwanag man o sa dilim magkamalay;
Alam ko ang hawi ng iyong buhok, ang iyong amoy,
Ang paghilik mo sa pagtulog, ang iyong iyak,
Ang mga halakhak mong kasiyahan ang hagod;
Alam ko, kahit ako’y walang malay, alam ko,
At kailanma’y hindi ko iyon malilimutan.
you gotta teach me how to read that, for it seems like it’s a beautiful piece
LikeLiked by 1 person
Learn the Filipino language, then. The entire feeling of the poem would be different if I translate the words.
LikeLiked by 1 person
understandable. I wouldn’t want you to translate it. it’s powerful as it is
LikeLiked by 1 person
Thank you! That means a lot to me! š
LikeLiked by 1 person
your welcome š
LikeLiked by 1 person