Enraptured Reality

Phantasm. Bewilderment. Clairvoyance.

Ang Huling Sulat

Leave a comment

image

Imahe mula sa Google

Wala na ang ngiti sa iyong mga mata
Mula sa alaala ng ating huling pagkikita,
Hindi na nadama ang dating kislap
Sa iyong tinig nang huli tayong nag-usap;

Mapait man ang ating naging kahapon,
Kaydali man sa iyo na lahat ay itapon,
Pagpapatawad pa rin sa iyo’y ibibigay,
Salamat sa pagiging bahagi ng aking buhay;

Patawarin mo ako sa masasakit na salita,
Ibinibigay ko rin ang kapatawaran sa iyong masasakit na ginawa,
Hindi ko man maipangangako ang paglimot,
Kapayapaan sa ati’y hindi ko ipagdadamot;

Nais kong magpasalamat at ikaw ay lumisan,
Sapagkat ngayo’y naranasan ang tunay na kaligayahan,
Pag-ibig na sa iyo’y hindi nadama,
Pagmamahal na sa aki’y ipinagkaloob ng iba;

Salamat sa pagluha, ako ay tumibay,
Nakawala sa iyo’t nakahanap ng pagkalingang tunay;
At ngayon na ang puso ay higit na maligaya,
Buong tapat kong hinihiling ang iyong lubos na pagsaya.

Mga lumang likha sa
HISTRIONICDEITYPOETRY.BLOGSPOT.COM

Advertisements

Author: Claudine

A music junkie obsessed with coffee, books and writing erratic oeuvres

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s